Home HOME BANNER STORY Pagsipsip ng langis sa lumubog na tanker minamadali na

Pagsipsip ng langis sa lumubog na tanker minamadali na

143
0

Patuloy na naglalagay ng mga oil dispersant ng at nangongolekta ng emulsified na langis sa mga apektadong tubig sa paligid ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard Marine Environmental Protection (MEP).

Ibinahagi ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, na nagpulong ang mga opisyal ng coast guard ngayong araw sa mga kinatawan ng concerned shipping company at nangontrata ng salvor upang talakayin ang pagpapatupad ng plano at timeline para sa siphoning operation.

“Base sa pag-aaral ng ating mga MEP personnel, considering na 34 meters deep ang pinaglubugan ng barko, kayang matapos ang siphoning within seven days. Walang dapat ipag-aalala, pero hindi kami nagpapakampante. We are still preparing for the worst-case scenario to address the potential negative impact to the marine environment,” sabi ni CG Rear Admiral Balilo .

Samantala, ibinahagi ni Balilo ang assessment ng PCG hinggil sa oil spill trajectory kung sakaling mangyari ang worst-case scenario – na makakaapekto sa paligid ng Parañaque, Manila, Navotas, Bulacan, at Pampanga.

“We are utilizing our manpower, mobilizing our resources, consulting with experts, and collaborating with LGUs and other stakeholders to avoid a marine environment catastrophe,” ayon pa kay Balilo.

Nauna rito, sinabi ni Balilo na ang 16 na rescued crew ay nai-turn over na sa kanilang mga pamilya, habang ang bangkay ay tinanggap na ng pamilyang naulila para sa kaukulang disposisyon.

Ang mga divers ng Coast Guard ay naka-standby din para sa pagtatasa sa ilalim ng tubig, sa sandaling pinahihintulutan ng panahon.

Sa ngayon, ang PCG at Maritime Industry Authority (MARINA) ay nagsasagawa rin ng joint marine casualty investigation, na pinamumunuan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here