Bulacan – Matigas na bangkay nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang 28 anyos na lalaki na umanoy nalunod sa ilog ng San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Roy Xavier Irtuladumas, residente ng Brgy. Minuyan Proper.
Sa report ng SJDM police, natagpuan ang palutang-lutang na bangkay bandang 9:30 ng umaga nitong Hulyo 25 sa ilog sakop ng Sitio Linawan, Brgy. Dulong Bayan.
Ayon sa imbestigasyon, nadiskubre ang palutang-lutang at inaanod na bangkay ng ilang nakatambay sa Linawan river.
Pinaniniwalaang aksidenteng nahulog ang biktima hanggang tuluyang anurin ng rumaragasang agos at lamunin ng ilog na kanyang ikinamatay.
Sinusulat ito, tatlo pang bangkay ang nadiskubre na biktima rin ng bagyong Carina ang naiulat ng pulisya bandang 6:00 ng umaga nitong Hulyo Hulyo 26
Nakilala ang mga bangkay na sina Norberto Alfonso ng Brgy. Bunlo, Bocaue, Conrado Del Rosario ng Brgy. Abangan Sur, Marilao at Jenalyn Leoncio ng Brgy.Tuktukan, Guiguinto.
Sinasabing si Del Rosario ay elected Brgy. kagawad sa kanilang lugar na tumulong sa paglikas ng mga kababaryo niya bandang 2:00 ng hapon nitong Hulyo 25 sa kasagsagan ng. bagyo ay nalunod ito at kalaunan ay nakitang palutang-lutang sa baha.
(Dick Mirasol III)