Home NATIONWIDE ASF lulutasin ngayong taon – DA chief

ASF lulutasin ngayong taon – DA chief

157
0

NAIS ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na mawakasan na ang problema ng African Swine Fever (ASF) ngayon taon upang matulungan ang industriya ng baboy na makabangon.

”We are hopeful na ma-solve na unti-unti iyong issue sa ASF and hopefully by the end of the year, halos wala na ito,” aniya sa post-State of the Nation Address (SONA) forum.

Nauna nang sinabi ng DA na naglaan ito ng P350 milyon na badyet para sa pagbili at paglulunsad ng bakuna sa ASF, na ang bukas na proseso ng bidding ay naka-target sa Agosto.

“Isa lang talaga ang akreditado na bakuna. So malamang iyon doon mapunta” sabi ni Laurel sa hiwalay na ambush na tinuran ang nakaraang approval ng Food and Drug Administration (FDA) para sa ASF vaccines mula sa Vietnam.

Aniya, ang target ay para sa isang government-controlled vaccine rollout noong Setyembre sa red at yellow zones sa bansa, o mga lugar na itinuturing na hotspot para sa ASF, upang masubaybayan ang epekto at bisa nito bago magpatuloy sa malawakang paggamit.

“For government use, for trial, mass trials. Pero after six months of the trials, kung okay lahat at walang nakikitang problema ayon kay Laurel.

Idinagdag pa ng DA chief na ang mga commercial mass vaccination ay maaaring maging posible sa bansa sa 2025.

Kaugnay nito bukod sa paglulunsad ng bakuna sa ASF, nauna nang inihayag ni Laurel ang mga plano na patakbuhin ang unang cold examination facility sa agrikultura (CEFA) sa Angat, Bulacan noong Enero 2025.

Ang CEFA ay isang sanitary phytosanitary inspection facility para sa mga imported na hayop, isda, halaman at iba pang produktong pang-agrikultura upang matiyak ang kaligtasan ng pagkain at maiwasan ang pagpasok ng mga peste at sakit ng hayop tulad ng ASF, avian flu at Q fever, bukod sa iba pa.

Sinabi ni Laurel na isinasagawa na rin ang mga plano na magbukas ng apat na karagdagang CEFA sa Setyembre 2025 sa Manila, Subic sa Zambales, Davao Region at General Santos City. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here