MANILA, Philippines- Inihayag ni dating senador Antonio Trillanes IV nitong Huwebes na tinukoy si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at apat na dating ranking police officials bilang suspek sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Sa X (dating Twitter), nag-post si Trillanes ng umano’y kopya ng kautusan ng Office of the Prosecutor (OTP) ng ICC kung saan pinangalanan si Dela Rosa at iba pang suspek sa ICC case laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bukod kay Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief, pinangalanan din umano sa dokumento sina:
dating PNP chief Oscar Albayalde,
dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Romeo Caramat Jr.,
dating National Police Commission commissioner Edilberto Leonardo, at
dating PNP Intelligence Officer Eleazar Mata






