MANILA, Philippines- Nakakumpiska na ang anti-drug campaign ng Marcos administration ng kabuuang P45.68 bilyong halaga ng narcotics, base sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes.
Sa pinakabago nitong report, inihayag ng PDEA na kabilang dito ang 5,945.67 kg. ng shabu, 74.60 kg. ng cocaine, 105,873 ecstasy tablets at 5,064.68 kg. ng marijuana na nasamsam mula Hulyo 2022 hanggang Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.
Samantala, 28,899 sa 42,000 barangay sa bansa ang idineklarang “drug-cleared” sa parehong period habang 6,617 ang nililinis pa ng mga awtoridad.
Ayon pa sa pinakabagong datos ng PDEA, makikitang 101,757 drug suspects ang naaresto, kabilang ang kabuuang 6,508 high-value targets (HVTs) sa buong bansa sa 74,832 anti-illegal drug operations.
Nabuwag din ng mga awtoridad ang 1,053 drug dens at isang clandestine shabu laboratory sa parehong panahon.
Sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 22, nangako si Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang “bloodless campaign” laban sa ilegal na droga sa bansa. RNT/SA