Home NATIONWIDE Bato nagkibit-balikat sa pagiging suspek sa drug war ni Duterte: ‘Anong bago?’

Bato nagkibit-balikat sa pagiging suspek sa drug war ni Duterte: ‘Anong bago?’

96
0

MANILA, Philippines- Tila ipinagkibit-balikat lamang ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang paratang na pagiging suspek sa drug war case ng International Criminal Court (ICC) na ikinasa laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam, sinabi ni Dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP) na nanguna sa drug war na palagi namang isinasabit ang kanyang pangalan bilang suspek sa drug war case ng ICC.

Naunang ibinulgar ni dating Senador Antonio Trillanes ang listahan ng ICC na iniimbestigahan sa drug war na kasama si Dela Rosa sa itinuturing na mga suspek sa kaso.

“What’s new? My name was always mentioned since 2016. Seems like a broken record that keeps on repeating the same lines,” ayon kay Dela Rosa.

Ipinost ni Trillanes sa X ang isang dokumento mula sa Office of the Prosecutor (OTP) ng ICC, na pinangalanan sina Dela Rosa, dating opisyal ng Philippine National Police Oscar Albayalde, Edilberto Leonardo, Eleazar Mata, at dating CIDG chief at kasalukuyang Northern Luzon commander Maj. Gen. Romeo Caramat Jr. bilang “suspects.”

“In this context, the OTP has reasonable grounds to believe that the following retired and serving members of the Philippine National Police, have committed crimes within the jurisdiction of the OTP,” ayon sa pahayag ng OTP sa document.

Inamin noon ni Dela Rosa, nagpatupad ng madugong drug war ni Duterte, na nilabag ang karapatang pantao sa kasagsagan ng kontrobersyal na anti-drug campaign.

Ayon sa ilang human rights groups, mahigit 20,000 hanggang 30,000 ang napatay sa drug war kabilang ang ilang inosenteng sibilyan at menor-de-edad tulad ni Kian Delos Santos.

Kahit malinaw ang ebidensya ng ICC, hinikayat ni Dela Rosa ang kritiko na maghain ng demanda sa korte sa Pilipinas sa halip sa naturang korte. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here