Home NATIONWIDE Pagbubukas ng klase, dapat ituloy sa Hulyo 29 – PBBM

Pagbubukas ng klase, dapat ituloy sa Hulyo 29 – PBBM

98
0

MANILA, Philippines- Hangga’t maaari ay dapat ituloy ang pagbubukas ng klase sa Hulyo 29, araw ng Lunes, matapos ang matinding pananalasa ng bagyong Carina at Habagat.

“As much as possible… hangga’t maaari… if the school buildings are in a condition to conduct classes, they will [have to] do it. Pero meron pa talaga na kakaunti na lang yung may tubig pero marami [pang] naiwan na putik, hindi magamit,” ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang bisitahin nito ang mga biktima ng pagbaha sa Rizal.

“Gawin niyo ang lahat. Buksan ninyo. Ang pagpasok, gawin nyo hangga’t maaari, kung kaya niyong buksan. Hangga’t maaari, open the schools and conduct classes,” ayon sa Pangulo, tinukoy ang Department of Education (DepEd).

Aniya pa, dapat na alamin ni DepEd Sec. Sonny Angara ang middle ground lalo pa’t ang mga eskwelahan ay hindi pa naman nagbabalik nang ‘full-time, face-to-face classes’ simula ng COVID-19 pandemic.

“May nasira na [mga] gamit, and we’d have to replace them. So yes, as much as possible, it will be up to the school to decide, kung kaya [nila magbukas] o hindi. Siguro ‘yung iba, mapipilitan. They will [have to] conduct classes outside of the school building, makapag klase lang,” wika ni Marcos.

“Tingnan natin. Nasanay na tayo sa pandemic [na dapat] hahanapan natin ng paraan para magkaroon pa rin ng klase. Although there are areas na hindi talaga puwede,” ang sinabi pa ng Punong Ehekutibo.

Nauna rito, sinabi ng DepEd na maaantala ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina.

Sinabi ni Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga nasalantang paaralan.

Sa kanyang post sa X nitong Biyernes, binanggit niya ang datos mula sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay na-miss ang tinatayang 53 araw ng pagtuturo mula sa 180-araw na school year noong nakaraan, dahil na rin sa weather-related event.

Sa datos mula sa disaster risk reduction and management service ng DepEd na ibinahagi noong Biyernes, nasa 246 paaralan ang binaha sa pananalasa ng bagyo at ng habagat, habang hindi bababa sa 64 na paaralan ang kasalukuyang ginagamit bilang mga evacuation center.

Nauna nang inihayag ni Angara na habang ang ilang mga paaralan ay kailangang ipagpaliban ang kanilang pagsisimula ng klase upang matapos ang paglilinis, hindi siya magdedeklara ng postponement ng mga klase upang payagan ang mga paaralan na may minimal hanggang zero na pinsala na magpatuloy gaya ng nakatakda.

Nitong Hulyo 25, nasa 90 eskwelahan ang ­napinsala na kakailanganin ang halagang P630 milyon para sa pagsasaayos. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here