Home ENTERTAINMENT Coco at Julia, naghahanda nang umamin!

Coco at Julia, naghahanda nang umamin!

192
0

Manila, Philippines – Mukhang nakaganda pa ang ‘di sinasadyang pambubuko ni Willie Revillame kina Coco Martin at Julia Montes at mga anak nila.

Nangyari ang “unintentional gaffe” sa welcome back party, ang pre-debut event ng Wil to Win bago ito nagsimulang umere.

Pinasalamatan ni Willie si Coco sa video greeting nito.

Pati kabaitan ng aktor ay pinuri rin ng TV host.

Pero sa bandang dulo ay itinawid din ni Willie ang kanyang pasasalamat kay Julia at sa kanilang mga anak.

To this very day, sa kabila ng lantaran nang pagpapakita ng sweetness nina Coco at Julia ay never pa silang umaamin.

Gayunpaman, nabalita nang meron na silang dalawang supling: isang babae, edad 4 at lalaki, edad 2.

Sa kabila ng pagkakadulas ni Willie ay obyus na may epekto ito sa couple.

llang araw na kasing pine-flex ni Coco ang mga larawan nila ni Julia kuha sa kanilang travel abroad.

The couple left for Qatar recently.

Ang tanging caption ni Coco ay red heart emoji pero naka-tag si Julia.

Ikinakilig naman ng mga netizens ang mga social media posting ni Coco.

Anila, mukhang pinaghahandaan na raw nina Coco at Julia ang pagsasapubliko ng kanilang relasyon.

Mangyari kaya ang paunang pag-amin sa idaraos na event para sa promosyon ng teleseryeng Saving Grace kung saan bida si Julia?

Abangan! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here