ALBAY – Patay ang isang indibidwal habang 31 ang naiulat na sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang commercial building sa Barangay Pinaric, Legazpi City, Albay bandang 11:30 ng umaga nitong Sabado, Hulyo 27, 2024.
Kinilala ang biktima na si Jurie Ramos Masarate, 42 anyos ng Brgy. Bagtang Sagpon, Daraga, Albay.
Ayon sa kamaganak, alas 12:40 kaninang madaling araw ng tuloyang mamaalam ang biktima.







