Home SPORTS Durant, LeBron bida sa panalo ng USA vs Serbia sa Olympics

Durant, LeBron bida sa panalo ng USA vs Serbia sa Olympics

135
0

MATAPOS  hindi maglaro sa pre-Olympic practices at games, pinangunahan ni Kevin Durant ang pagpapabagsak  ng United States sa Serbia, 110-84, para buksan ang kampanya nito sa 2024 Paris Olympics noong Linggo (oras ng Paris).

Si Durant ay bumalik sa aksyon para sa USA Basketball matapos magtamo ng pinsala sa binti.

Kumamada si Durant ng 23 puntos, 21 dito ay mula sa unang kalahati, at dalawang rebound para pangunahan ang mga Amerikano sa panalo sa Group C.

Matapos manguna sa 58-49 sa pagtatapos ng first half, humiwalay ang Team USA sa ikatlo nang madaig nito ang Serbia, 26-16, sa nasabing frame bago sumugod sa tagumpay.

Bukod kay Durant, nanguna si LeBron James sa panalo na may 21 puntos, siyam na assist, pitong rebounds, at isang steal nang opisyal niyang pasukin ang kanyang ikaapat na Summer Games stint, at ang una mula noong 2012 sa London.

Pinangunahan ni Nikola Jokic ang Serbia na may 20 puntos, walong assist, limang rebound, at apat na steals, habang nagdagdag si Bogdan Bogdanovic ng 14 puntos.

Bago ang Olympics, tinalo ng USA ang Serbia, 105-79, sa isang basketball showcase.

Sa iba pang men’s basketball games kanina, tinalo ng Canada ang Greece, 86-79, habang tinalo ng South Sudan ang Puerto Rico, 90-79.

Makakaharap ng USA ang South Sudan sa susunod na Huwebes (oras ng Pilipinas).JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here