Home NATIONWIDE Babala ng DOH: Incubation period ng leptospiros inaabot ng ilang linggo

Babala ng DOH: Incubation period ng leptospiros inaabot ng ilang linggo

204
0
flood water walk - 1

MANILA, Philippines- Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) na aabot ng mahigit isang linggo bago lumabas ang sintomas ng leptospirosis sakaling nasapul nito kasunod ng nagdaang pagbaha dulot ng bagyong Carina at Habagat.

Ayon kay DOH spokesperson at assistant secretary Albert Domingo, wala pang natatanggap na ulat ng kaso leptospirosis dahil sa pagbaha ngunit maaring mahigit dalawang linggo pa bago maiulat ang mga naturang kaso.

Sinabi ni Domingo na ang sakit ay madaling gamutin sa pamamagitan ng pag-inom ng mga antibiotic tulad ng doxycycline—na kasalukuyang nasa ilalim ng price freeze.

Gayunman, nagbabala ang DOH na ang doxycycline ay dapat na inireseta ng isang doktor, at ang dosis ay depende sa pagkakalantad sa tubig-baha. Ito ay kasalukuyang magagamit nang libre sa mga health center at evacuation centers.

“‘Pag ang lepto, binigyan mo ng doxy na hindi naman kailangan, magiging super lepto ‘yan. Ang mikrobyo ho kasi, may tinatawag na antimicrobial resistance,” sabi ni Domingo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here