Home NATIONWIDE 2 bata patay, 9 sugatan sa knife attack sa England

2 bata patay, 9 sugatan sa knife attack sa England

164
0

UNITED KINGDOM – Patay ang dalawang bata habang sugatan ang siyam iba pa sa pananaksak sa isang Taylor Swift-themed dance class sa northern England nitong Lunes, Hulyo 29.

Ayon kay Merseyside Police Chief Constable Serena Kennedy, anim sa mga sugatang bata ay nasa kritikal na kondisyon. May dalawang matanda rin ang nasa kritikal na kondisyon sa naturang pag-atake.

Ani Kennedy, sa pagkakaalam ng pulisya ay pumasok ang attacker sa lugar nang pinangyarihan na armado ng kutsilyo at nagsimulang pagsasaksakin ang mga bata.

“We believe that the adults who were injured were bravely trying to protect the children who were being attacked,” sinabi ng opisyal sa isang news conference.

Dagdag pa ng Merseyside Police, nakatanggap ito ng sumbong sa isang stabbing incident sa Southport, hilaga ng Liverpool.

Tinawag ng emergency services ang pangyayaring ito bilang “major incident” na naganap 11:50 ng umaga.

Naaresto ang 17-anyos na lalaki.

“The investigation is in its early stages and the motivation for the incident remains unclear. However Counterterrorism Police Northwest have offered their support,” sinabi ni Kennedy.

Hindi maituturing na terror-related ang insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here