Home NATIONWIDE Deliberasyon sa 2025 nat’l budget sa Kongreso, asahang sisimulan agad

Deliberasyon sa 2025 nat’l budget sa Kongreso, asahang sisimulan agad

159
0

MANILA, Philippines – ASAHAN nang magsisimula ang deliberasyon ng 2025 national budget sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito’y matapos na opisyal nang tinurn-over na ng Department of Budget and Management (DBM), araw ng Lunes ang National Expenditure Program (NEP) sa Kongreso, nakalatag dito ang spending plan ng pamahalaan para sa 2025 na nagkakahalaga ng P6.352 trillion.

Sa katunayan, opisyal na iniabot ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang NEP kay House Speaker Martin Romualdez sa isang seremonya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ang panukalang budget para sa susunod na taon ay katumbas ng 22% ng gross domestic product (GDP) ng bansa at sumasalamin sa 10.1% na pagtaas mula P5.768 trillion budget ngayong taon ng 2024.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang ikatlong State of the Nation Address noong nakaraang linggo na ang 2025 budget ay nilikha na mayroong “highest levels of care, diligence, at meticulous attention to detail.”

“We expect all agencies to ensure that every centavo allocated will be judiciously spent on our urgent priorities and socially impactful programs,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, nananatili naman ang edukasyon sa ‘top priority’ na may alokasyon na P977.6 billion, sinundan ng Public Works na nakatakdang tumanggap ng malaking alokasyon na P900 billion.

Ang Department of Health ay pinangalanan ng P297.6 billion para maipagpatuloy ang pagpapatupad ng Universal Health Care Act at tiyakin ang ‘accessible at affordable healthcare services’ habang Interior and Local Government ay mabibigyan naman ng P278.4 billion.

Upang mapanindigan ang national security, modernize defense capabilities at tiyakin ang kaligtasan at soberanya ng bansa, P256.1 billion ang inilaan para sa Defense sector.

Samantala, ang Social Welfare ay pinaglaanan ng P230.1 billion; Agriculture na may P211.3 billion; Transportation na may P180.9 billion; Judiciary na may P63.6 billion; at Department of Justice na may P40.6 billion. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here