MANILA, Philippines- Ipinagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) anng 1 “Metro Manila Shake Drill” na nakatakda sa Hulyo 31 upang bigyang-daan ang umiiral na clean-up at repair activities sa calamity-hit areas.
Sa Facebook nitong Martes, sinabi ng MMDA: “Hindi po matutuloy ang Metro Manila Shake Drill na nakatakda bukas, Hulyo 31, dahil sa patuloy na isinasagawang paglilinis at pagsasaayos ng mga pinsalang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila dulot ng habagat at bagyong Carina noong nakaraang linggo.”
Isinasagawa ang Metro Manila Shake Drill upang ihanda ang publiko para sa “Big One,” na pinangangambahang labis na makapipinsala sa ilang lugar sa Luzon. RNT/SA