Home NATIONWIDE NDRRMC: Patay sa habagat, bagyo 39 na

NDRRMC: Patay sa habagat, bagyo 39 na

151
0

MANILA, Philippines- Pumalo na ang death toll sa pinagsanib na epekto ng southwest monsoon o “habagat,” at mga bagyo kamakailan sa 39, base sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes.

Naitala ang pinsala sa agrikultura sa P545,216,362 habang ang bilang ng mga apektadong magsasaka at mangingisda ay sumamapa sa 23,580.

Sa 39 naiulat na nasawi, sinabi ng NDRRMC na 14 pa lamang ang kumpirmado habang bineberipika pa ang 25.

Sa Tuesday morning situational report ng ahensya, inilahad nitong ang bilang ng mga sugatan at nawawalang indibidwal ay pito at anim.

Iniulat pa ng NDRRMC na umakyat ang bilang ng mga apektadong indibidwal mula 4,553,752 sa 4,839,002 o 1,317,111 pamilya.

Karamihan sa mga apektado ay mula sa Central Luzon (3,042,813), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (552,971), at Ilocos region 341,682).

Subalit, bumaba naman ang bilang ng displaced persons sa 732,785 mula sa 794,744 na naitala noong Lunes.

Halos 108,083 ang nananatili sa evacuation centers sa buong bansa, habang 624,702 ang namamalagi sa ibang lugar.

Lumabas si bagyong Carina sa Philippines area of responsibility noong Hulyo 25, subalit ang pinsala nito ang naging mitsa ng pagsasailalim ng national government sa Metro Manila at iba pang parte ng Luzon sa state of calamity.

Sinabi ng NDRRMC na nakapamahagi na ang pamahalaan ng P321,565,026 sa 107,014 pamilya sa buong bansa. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here