Home NATIONWIDE Escudero: 2025 budget deliberations gugulong sa Senado sa Agosto 13

Escudero: 2025 budget deliberations gugulong sa Senado sa Agosto 13

141
0

MANILA, Philippines- Sisimulan ng Senado ang deliberasyon nito sa panukalang P6.35 trilyong national budget para sa susunod na taon sa Agosto 13, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Martes.

“Inaasahan namin magsisimula ang DBCC (Development Budget Coordination Committee) debates hopefully sa August 13,” pahayag ni Escudero sa isang ambush interview.

Dahil isasagawa ang eleksyon sa susunod na taon, sinabi ni Escudero na mayroong sapat na batas na pipigil sa paggamit ng 2025 national budget para sa electoral campaigns.

“May batas na tayo diyan. Bawal gamitin ang anumang pondo ng pamahalaan tulad ng ayuda para sa kampanya ng sinumang kumakandidato. May Comelec regulations na rin kaugnay niyan at maraming kandidato na-disqualify nu’ng 2022 elections dahil din d’yan,” aniya.

Kabilang sa mga isyu sa budget na inaasahan ni Escudero na matatalakay ay ang Confidential and Intelligence Funds (CIF) ng law enforcement units, partikular sa gitna ng paglalabas ng arrest orders laban kina suspended Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy.  

“Tiyak ko mabi-bring up ‘yan sa budget,” wika ng senador.

“Hindi por que palpak ngayon ang PNP eh tatanggalan namin ng intelligence fund, eh di lalong pumalpak sila kung saka-sakali. Titingnan namin ‘yung utilization nila ng intelligence fund. Saan ba napupunta ‘to ara hindi nila magampanan yung trabaho nila sa kabila ng pondong binigay namin sa kanila,” aniya pa.

Sisilipin din ng Senado ang alokasyon ng CIF sa nga ahensya, batay pa sa liderato nbg Senado. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here