Home NATIONWIDE Pagbuo ng US missile system sa Pinas, ‘di mauuwi sa tensyon

Pagbuo ng US missile system sa Pinas, ‘di mauuwi sa tensyon

157
0

WALANG nakikitang dahilan ang Pilipinas para mauwi sa tensyon sa rehiyon ang deployment ng US mid-range missile system sa bansa.

Sa news conference sa isinagawang 4th Philippines-US Two-Plus-Two Ministerial Consultations, hiningan kasi ng reaksyon at komento si Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo sa sinabi ng Tsina na ang US missile ay maaaring maging mitsa ng isang ‘arms race.’

“All I can really say is that first, these missiles are meant for our own defensive capabilities, our own ability to improve our defensive deterrence, and they are not meant for any offensive purposes,” ayon kay Manalo.

“So I really can’t see, on that basis, how it would lead to an arms race,” dagdag na pahayag nito.

Nauna rito, nagpahayag naman ng pagkabahala si Chinese Foreign Minister Wang Yi ukol sa presensiya ng US intermediate-range missile system.

Dineploy ng Estados Unidos ang kanilang Typhon missile system sa panahon ng taunang Balikatan exercises noong Abril, subalit hindi naman ito pinaputok habang isinasagawa ang joint military exercises.

Sinabi naman ng Philippine Army na ang deployment ng missile system ay maaaring mapalawig hanggang Setyembre.

Samantala, nauna nang nakipagpulong si Manalo kay Wang sa sidelines ng ministerial meeting sa Laos at kapuwa pinagtibay na kikilalanin ng Manila at Beijing ang provisional agreement ukol sa resupply missions sa Ayungin Shoal. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here