Home METRO 10-anyos patay sa sunog sa Paco, Maynila

10-anyos patay sa sunog sa Paco, Maynila

160
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang sampung taong gulang na bata matapos ma-trap sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Paco, Maynila nitong Miyerkules ng umaga.

Sa imbestigasyon, sumiklab ang sunog na umabot sa ikalawang alarma sa isang bahay sa kahabaan ng Merced Street at tumagal ng mahigit isang oras.

Sinabi ng tiyahin ng biktima at ng kasambahay na nakulong ang bata sa isa sa mga silid sa ikalawang palapag.

“Sabi ng amo ko kunin yung bata. Sabi ko hindi ko na makuha kuya kasi may apoy na. Hindi ko siya makuha. Sabi ng daddy niya, lumabas na kami dito sa labas, takbo na kami dito, hindi na siya nakuha,” ani Flora Ranuco, na kasambahay ng pamilya.

Ayon sa mga nakasaksi, mabilis na kumalat ang apoy at umabot din sa kisame at dingding ng dalawang magkatabing bahay.

Bago mag 1 p.m. nang maalis ang labi ng bata sa bahay at dinala sa punerarya.

Dinala ang kanyang mga magulang sa isang ospital.

Inaalam pa ng Paco Fire Station ang sanhi ng sunog na tumupok sa tinatayang P70,000 halaga ng ari-arian. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here