Home NATIONWIDE Michael Yang ipinaaresto na ng Kamara

Michael Yang ipinaaresto na ng Kamara

84
0

MANILA, Philippines- Dahil sa hindi pagsipot sa pagdinig sa kabila n ilang beses na pagpapalabas ng subpoena at show cause order, iniutos na ng House of Representatives ang pag-aresto at pagpiit kay dating presidential adviser Michael Yang.

Si Yang ay sentro ng isinasagawang House inquiry kaugnay sa pagkakasangkot nito sa P3.6 bilyong drug bust sa Mexico, Pampanga noong 2023.

Ang contempt order laban kay Yang ay pirmado ni House Secretary General Reginald Velasco matapos hilingin ng House Committee on Dangerous Drugs na ipaaresto na ito matapos ilang beses na isinabin ang imbitasyon na dumalo sa mga pagdinig.

Agad namang isinilbi ni House Sergeant-at-Arms, Napoleon Taas ang arrest order laban kay Yang sa Fortun-Law Offices.

Si Yang ay isinasangkot na incorporator ng Empire 999 Realty Corp na nagmamay-ari ng warehouse kung saan nakumpiska ang bulto bg shabu. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here