Home METRO Chinese national tiklo sa P250K ecstasy

Chinese national tiklo sa P250K ecstasy

100
0

ANGELES CITY, Pampanga- Arestado ang isang Chinese national na nakuhanan ng P250,000 halaga ng party drug na Ecstasy sa isang buy-bust operation sa Don Juico Ave., Barangay Malabanias, sa lungsod na ito nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-Pampanga ang suspek na si Jinfu Wang, alyas Simon, 44, residente ng Taguig City.

Nakuhanan si Wang ng resealable plastic bag na naglalaman ng 68 tabletas ng pink Ecstasy, isa pang resealable plastic bag na may lamang 32 tabletas ng blue Ecstasy, smart phone, Toyota FJ Cruiser, at marked money.

Ayon sa PDEA, sangkot umano si Wang sa pamamahagi ng party drugs sa pubs at disco houses sa Angeles City at Metro Manila.
Dadalhin ang mga nakumpiskang item sa PDEA-Regional Office 3 laboratory para sa forensic examination.

Isinagawa ng PDEA-Pampanga Provincial Office at ng Angeles City Police Office (ACPO) Station 4 ang nasabing operasyon.
Nahaharap naman ang suspek sa drug-related charges. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here