Home NATIONWIDE P1.2B serbisyo, cash aid bitbit sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa E....

P1.2B serbisyo, cash aid bitbit sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa E. Visayas

152
0

Pangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsasagawa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (PBSF) sa Eastern Visayas ngayong araw, Agosto 2 dala ang mahigit P1.2 bilyong halaga ng serbisyo at cash assistance para sa mga residente sa rehiyon.

Ayon kay House Deputy Secretary-General at BPSF National Secretariat Sofonias Gabonada na nasa P1.2 bilyong halaga ng serbisyo ang dala para sa ika-21 yugto ng BPSF, sa nasabing halaga P800 milyon ang cash assistance.

Nasa 241 House members ang dadalo sa isasagawang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Sinabi ni Tingog Partylist Rep Jude Acidre na ang pagdalo ng maraming kinatawan sa service caravan ay isang pagpapakita ng suporta ng mga miyembro ng Kamara sa inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na makapagdala ng positibong pagbabago hindi lamang sa Leyte at Eastern Visayas kundi sa buong bansa.

Ipinaliwanag ni Gabonada na ito ang unang pagkakataon na isasagawa na regionwide ang BPSF.

Pangungunahan ni Romualdez ang pagbubukas ng service caravan sa Tacloban City na sasabayan ng mga mas malilit na BPSF sa ibang panig ng Eastern Visayas. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here