Home NATIONWIDE ‘Anti-Kamote Driver Bill’ inihain sa Kamara

‘Anti-Kamote Driver Bill’ inihain sa Kamara

153
0

MANILA, Philippines – Sa layuning maproteksyunan ang mga motorista laban sa mga reckless drivers, isang panukala na Anti-Kamote Driver Bill ang inihain sa Kamara.

Layon ng House Bill (HB) No. 10679 o Defensive Driving Act of 2024 na inakda nina PBA party-list Rep. Margarita Nograles at Davao Oriental Rep. Cheeno Almario na maamyendahan ang Article 124 ng Revised Penal Code.

“HB No. 10679 seeks to insert provisions in Article 124 that prevent the detention of motorists who may figure in accidents but were not responsible for the incident” paliwanag ni Nograles.

Para magamit ang nasabing probisyon ay dapat patunayan sa pamamagitan ng dashboard camera o CCTV footage na magpapakita na ang motorista ay walang nilalabag bago ang aksidente.

“This bill prevents innocent drivers from being doubly victimized—first by reckless drivers and then by an unfair legal process. Not all drivers can afford bail and pay a good lawyer. Mahirap naman na ikaw na nga ang binangga tapos ikaw pa ang makukulong,”dagdag pa ni Nograles.

Ipinaliwanag ni Nograles na ang panukala ay bunsod ng naging insidente noong Marso sa Skyway Stage 3 Northbound kung saan isang lasing na motorcycle driver ang nagcounterflow at bumangga sa isang Asian Utility Vehicle (AUV).

Nasawi sa insidente ang motorcycle driver at alinsunod sa kasalukuyang batas ay nakulong ang AUv driver bilang bahagi ng proseso, kalaunan pa ito napalaya nang magdesiayon ang Quezon City prosecutor at ibinasura ang kaso.

Noong Abril ay 60 anyos din sa Cebu City ang nakulong nang masangkot sa traffic accident na hindi sya ang nagdulot. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here