Home METRO 4 na-trap sa nasusunog na building sa Binondo

4 na-trap sa nasusunog na building sa Binondo

111
0
(c) Celestino Bantigue Gilbert

MANILA, Philippines – Nasusunog ngayon ang isang residential building sa Binondo, Maynila.

Sa inisyal na impormasyon, apat na katao ang na-trap sa gusali ngunit wala pang kumpirmasyon ang Bureau of Fire Protection Manila.

Alas 7:28 ng umaga ng mapansin ang makapal na usok hanggang sa makitaan na ng apoy mula sa ikalawa at ikatlong palapag.

Sinasabing pawang mga border ang na-trap sa gusali na inaasahang makakaligtas pa ng buhay.

Sa ngayon ay patuloy ang paglaki ng sunog na binabalotan din ng makapal na usok kaya naman nahirapan ang mga nakatira sa nasabing gusali na lumikas.

Sinisikap naman ng mga bumbero na apulahin ang sunog upang mailigtas pa ang mga naiwang residente. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here