MANILA, Philippines – Patay ang magkapatid matapos na pagtatagain ng naalimpungatang sarili nilang ama sa Iba, Zambales.
Napag-alaman na edad pito at 11 ang dalawang paslit habang sugatan din ang kanilang ina at isa pang kapatid sa nangyaring krimen sa loob ng bahay ng pamilya ng madaling araw ng Hulyo 26.
Sinabi ng ina ng mga biktima na si Mary Jane Mercado, bigla na lamang umano kumuha ng itak ang kanyang mister pagkagising nito.
Inawat daw ni Mercado ang kaniyang mister pero tinaga rin siya.
“Masakit, bilang isang ina. Hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya sa amin… ako kritikal ang kondisyon ko [sa] isang taga lang, pero sagad sa utak ng mga bata [‘yung tinamo nila],” ayon sa ginang.
Sinabi ni Mercado na hindi naman lasing ang kanyang asawa at hindi rin umano gumagamit ng droga na kinumpirma ng pulisya. RNT