MANILA, Philippines – Pumalo na sa 11 ang nasawi na natagpuan sa ibat-ibang palapag ng residential building sa Binondo, Maynila ngayong Biyernes.
Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection-Manila, fire under control pa rin ang sunog sa na umabot sa ikalawang alarma ngunit kumitil ng ilang mga buhay.
Ayon kay Nori Minete, kasama ang kanyang misis at kanyang mga border ang na-trap sa sunog sa anim na palapag na gusali na matatagpuan sa Carvajal St., sa Binondo. Napag-alaman na wala sa bahay si Minete nang mangyari ang sunog.
Sa mga nasawi, natagpuan ang 6 na biktima sa ikalawang palapag habang 5 naman sa ikatlong palapag.
Napag-alaman na pawang mga border ang mga biktima.







