Home METRO Kalye sa Maynila isasara ng 2 linggo sa drainage works

Kalye sa Maynila isasara ng 2 linggo sa drainage works

147
0

Magsasagawa ng dalawang linggo na drainage work ang Department of Public Works and Highways-North Manila District Engineering Office (DPWH-NMDEO) sa kahabaan ng northeast-east bound lane ng Loyola Street sa Maynila.

Sa social media post nitong Huwebes, inabisuhan ng DPWH ang mga motorista na simula ngayong araw, Biyernes na magiging mabagal ang trapiko sa mga apektadong lugar at gumamit ng alternatibong ruta.

“Starting Friday, Aug. 2, 2024, the DPWH-NMDEO will conduct drainage construction activities covering the northeast-bound lane of Loyola Street passing across the intersection of Earnshaw Street,” saad sa public advisory.

Ayon pa sa DPWH, bahagyang isasara ang Earnshaw Street.

“Road rehabilitation works along the intersection of Earnshaw Street will cover the northbound lane with 12 linear meters long, 4.50 meters wide of Loyola Street, requiring partial road lane closure along Earnshaw Street,” saad pa sa abiso sa publiko.

Muling bubuksan ang kalsada sa sandaling makumpketo ang pagsasaayos ng drainage sa Aug.16. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here