Home METRO Halos P.5M bulto ng marijuana nasabat sa Bulacan

Halos P.5M bulto ng marijuana nasabat sa Bulacan

88
0

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P480,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa Bulacan ng Bulacan police noong Huwebes, Agosto 1.

Batay sa ulat ng pulisya, isinagawa ang drug sting operation ng Guiguinto Police dakong alas-3 ng madaling araw sa Brgy. Tuktukan, Guiguinto, Bulacan na humantong sa pagkakaaresto kay alyas Joshua, 21.

Narekober mula sa suspek ang isang plastic na naglalaman ng mga tuyong dahon at mga namumungang tuktok ng hinihinalang marijuana, apat na piraso ng compressed cylinder na may tuyong dahon at fruiting tops ng hinihinalang marijuana na tumitimbang ng humigit-kumulang 4,000 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na P480,000 kasama ang ang buy-bust money.

Samantala, tatlo pang drug peddlers ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) ng Marilao at Malolos City Police kung saan nakumpiska sa operasyon ang 12 sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Agad namang ikinulong ang mga naarestong suspek habang dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensya para sa pagsusuri. Mga reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here