Home NATIONWIDE Baguio-based Japanese language center ipinasara sa illegal recruitment

Baguio-based Japanese language center ipinasara sa illegal recruitment

Ipinadlock ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang Japanese language training center sa Baguio City nitong Biyernee na nag-aalok ng mga trabaho sa Japan nang walang kinakailangang lisensya mula sa gobyerno upang makisali sa recruitment at paglalagay ng mga Pilipino para sa trabaho sa ibang bansa.

Sina DMW Undersecretary Bernard Olalia at Assistant Secretary Francis Ron de Guzman, kasama ang Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) ng DMW, sa koordinasyon ng Baguio City Police, ang nanguna na nag-padlock sa opisina ng Institute of Building Foreign Language Inc. (IBFL) na matatagpuan sa No. 11 M. Ponce Street, First Road, Quezon Hill Proper, Baguio City.

“The IBFL is neither licensed and authorized by the DMW to recruit and place Filipino workers nor does have any approved job orders to Japan. Ito ay malinaw na illegal recruitment ng ating mga kababayan na nais magtrabaho sa Japan,”

Undersecretary Olalia.

Isinagawa Ang survellaince operations ng MWPB na ang IBFL ay illegal na nagre-recruit ng kanilang Japanese language graduates bilang magsasaka, caregivers, factory workers, at food processing workers sa Japan na may sahod na umaabot ng P80,000 hanggang P100,000.

Ang pagsasara ng operasyon ng IBFL ay nag-ugat mula sa reklamo na inihain ng isang job applicant na humingi ng tulong sa MWPB. Ang aplikante ay graduates ng IBFL na nagre-recruit ng manggagawabsa Japan at nagbayad ng mahigit P57,000 upang masaklaw ang kanyang plane ticket , service fee atvisa processing.

Nagpahayag naman ng buong suporta si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, sa paglaban sa illegal recruitment at agarang iniutos ang kanselasyon ng business permit at lisensya ng IBFL.

Sa naturang pagsasara, ang IBFL officers at empleyado ay kasama sa DMW’s List of Persons and Establishment with Derogatory Record upang maiwasan nila ang paglahok sa overseas recruitment program ng gobyerno.

Magsasampa rin ang DMW ng kaso na syndicate illegal recruitment laban sa mga opisyal at empleyado ng training center.

Hinimok ng DMW ang iba pang aplikante na aging biktima ng IBFL illegal activities na tumawag sa MWPB para sa pagsasampa ng kaso sa kanilang Facebook page sa https://www.facebook.com/dmwairtip at sa pamamagitan ng email sa [email protected]. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)