Home NATIONWIDE Sa halip na gulo, magtrabaho: Malakanyang sa mga senador ‘umayos kayo’

Sa halip na gulo, magtrabaho: Malakanyang sa mga senador ‘umayos kayo’

3
0

MANILA, Philippines – UMAYOS kayo.

Ito ang sinabi ng Malakanyang sa mga nangyayari ngayon sa Senado sa halip na tutukan ang trabaho.

Nauna rito, nagkatulakan, araw ng Huwebes sina Senador Robin Padilla at Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa loob ng Senado nang pumasok ang 18 miyembro ng Philippine Marines.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na hindi kinukunsinti at papayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ganitong kaganapan kaya dapat na umayos ang mga Senador.

Winika pa ni Castro na maaaring maapektuhan ang magiging mensahe ng Pangulo sa kanyang pang-limang State of the Nation Address (SONA) lalo pa’t ang mga programa or soon-to-be achievements ng Pangulo ay nangangailangan ng legislative intervention.

“Maaaring maapektuhan pero ang Pangulo po ay tutok pa rin sa kanyang adhikain, sa kanyang nais na i-push ng mga bills para sa taong bayan. Ito ay magiging suliranin na lamang ‘no, magiging problema na lamang ito ng Senado. So dapat talaga umaksyon kung sino ang dapat na authority umaksyon sa Senado. So, sa ngayon sinasabi  po natin, ang kinikilala po natin ay ang pamumuno ni Acting Senate President Sherwin Gatchalian,” litaniya nito.

“Ito ay problema na ng Senado so dapat talaga umaksiyon kung sino ang dapat na authority na umaksiyon sa Senado,” ng sinabi pa rin ni Castro.

Muli, binigyang diin ni Castro na sa ngayon ang kinikilala ng Malakanyang ay ang pamumuno ni acting Senate President Rex Gatchalian. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here