Home HOME BANNER STORY 6.8-M na lindol yumanig sa Surigao del Sur

6.8-M na lindol yumanig sa Surigao del Sur

146
0

MANILA, Philippines – Yumanig ang isang magnitude 6.8 na lindol sa baybayin hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur ngayong Sabado ng umaga, iniulat ng PHIVOLCS.

Naganap ang lindol, na tectonic ang pinagmulan at may lalim na 9 na kilometro alas-6:22 ng umaga.

Una nang iniulat ng PHIVOLCS na may magnitude 6.5 ang lindol, pagkatapos ay na-update ito sa magnitude 6.8.

Ang sentro ng lindol ay nasa 08.10°N, 127.01°E – 066 km N 85°E ng Lingig, Surigao del Sur.

Naramdaman ang Intensity V sa mga sumusunod na lugar:

-Lingig, Hinatuan, at Bisglig City sa Surigao del Sur;
-Rosario sa Agusan del Sur; at
-Maco at Monkayo ​​sa Davao de Oro.

Ang intensity IV naman ay naranasan sa:

-Nabunturan, Davao de Oro; at
-Lungsod ng Davao.

Ang Intensity III ay naitala sa:

-Don Marcelino, Davao Occidental;
-Inabanga, Bohol; at
-Baybay City, Leyte

Ang Intensity II sa kabilang banda ay naranasan ng mga residente sa:

-Mambajao, Camiguin;
-Sogod, Southern Leyte;
-Lungsod ng Cotabato; at
-Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Walang inaasahang pinsala ngunit maaaring mangyari ang mga aftershocks, dagdag ng ahensya.

Samantala, sinabi ng PHIVOLCS na walang banta sa tsunami ang magnitude 6.8 na lindol. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here