MANILA, Philippines – Ginising ng magnitude 5.0 na lindol ngayong Sabado ng umaga ang mga residente ng Davao Oriental, sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang lindol alas-6:45 ng umaga.
Sinabi ng PHIVOLCS na ang epicenter ay nasa 07.97°N, 127.28°E – 090 km N 61°E ng munisipalidad ng Baganga, Davao Oriental.
Ito ay may lalim na 10 km at tectonic ang pinagmulan.
Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala ngunit maaaring magkaroon ng aftershocks.
Sinabi ni PHIVOLCS Director Dr. Teresito Bacolcol na kanilang inaalam kung ang nasabing magnitude 5.0 na lindol na ito ay aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na naganap sa Lingig, Surigao del Sur nitong Sabado rin ng umaga.
“Medyo magkalapit [ang Lingig at Baganga]. Tinitignan namin kung aftershock ito ng magnitude 6.8 na lindol… Nasa Philippine trench ito. Hindi ito makakapag-generate ng tsunami,” aniya sa isang interbyu. RNT