INANUNSIYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isasagawa nilang road reblocking at repair sa mga kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.
Batay sa abiso ng MMDA nitong Biyernes, magsasagawa ng roadwork ang Department of Public Works and Highways sa mga sumusunod na kalsada simula alas-11 ng gabi nitong Biyernes, Agosto 2, hanggang alas-5 ng umaga sa Lunes, Agosto 5.
Ang mga isasailalim sa pagkukumpuni ay ang mga sumusunod na lugar:
• Tandang Sora, pagkatapos ng Culiat High School, hanggang Allan Bean, 2nd lane mula sa bangketa, Quezon City.
• EDSA (SB), pagkatapos ng West Avenue hanggang pagkatapos ng MRT North Avenue Station, 4th lane mula sa gitna, Quezon City.
• EDSA (NB) Annex to Iglesia ni Cristo, 1st lane from center, Quezon City.
• EDSA (NB), Quezon Avenue hanggang Philam footbridge, 2nd lane mula sa bangketa, Quezon City.
• EDSA (SB), Bansalangin Street, hanggang West Avenue, 4th lane mula sa sentro, Quezon City.
• Mindanao Avenue, pagkatapos ng Sauyo U-turn, truck lane, Quezon City.
• Commonwealth Avenue (SB), Don Jose hanggang Odigal, 1st lane mula sa sentro, Quezon City.
• EDSA (SB), Lanutan hanggang Bansalangin, 4th lane mula sa sentro, Quezon City.
• General San Miguel (EB), between Bisig ng Kabataan to A. Mabini Street, 1st lane mula sidewalk, Caloocan City.
• EDSA (SB) bus lane, pagkatapos ng Ayala Tunnel, Makati City.
Pinayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta hanggang sa muling magbukas ang mga kalsada sa Lunes, Agosto 5. Jay Reyes