Home METRO Taguig City nagdeklara ng state of calamity

Taguig City nagdeklara ng state of calamity

107
0

MANILA, Philippines – Nagdeklara ang Taguig City  ng state of calamity makaraan ang pananalasa ng habagat (southwest monsoon) at Typhoon Carina na nagresulta sa matinding baha sa naturang lunsod.

Ipinasa ng City Council ang Resolution 523 nitong Hulyo 29, na nagsasaad na simula Hulyo 23, 2024, ang buong National Capital Region kabilang àng City of Taguig ay lubhang naapektuhan ng tuluy-tuloy na ulan dala ng Southwest Monsoon na pinalakas ng Super Typhoon Carina ‘Gaemi.’”

Bago ang Taguig City Council Resolution, ay nagrekomenda ang Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Council (TCDRRMC), sa Legislative Council ng declaration ng state of calamity sa Lunsod.

Dahil sa deklarasyon , maaari nang gamitin ang Quick Response Fund para sa mabilis na pagpapalabas ng resources para tugunan ang sitwasyon, kasama na rito ang relief operations, infrastructure repairs, at assistance sa mga apektadong residente. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here