Home METRO 2 menor de edad huli sa higit P1M droga

2 menor de edad huli sa higit P1M droga

95
0

MANILA, Philippines – Dalawang menor na edad na ang naaresto makaraang makuhanan ng nasa mahigit sa P1 million halaga ng hinihanalang shabu sa Brgy. Panapaan sa Bacoor City, Cavite.

Base sa report, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Provincial Police Office, at Bacoor Component City Police Station sa nasabing lugar kung saan naaresto ang dalawang suspek na sina alyas Ric at Jalilia, kapwa Child-in-Conflict with the Law (CICL).

Nakumpiska mula sa kanila ang tinatayang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,020,000.00, boodle money, android phone at sling bag na siyang pinaglagyan ng nasabing droga

Nasa kustodiya na ng Bacoor City Social Welfare and Development (CSWD) ang dalawang menor de edad na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 91165. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here