Home NATIONWIDE Torre duda sa crime statistics ng mga police station sa Davao

Torre duda sa crime statistics ng mga police station sa Davao

110
0

MANILA, Philippines – Duda si Police Regional Office (PRO)-Davao region Director Police Brig. Gen. Nicolas Torre III sa mababang crime rates ng mga istasyon ng pulis sa Davao at sinasabing posibleng minanipula umano ito.

Sa panayam, sinabi ni Torre na agaran niyang ipinag-utos ang blotter validation nang siya ay maupo bilang director ng PRO-Davao at nakakuha ng dalawang blue blotter books mula sa Police Station 10 o Calinan Police Station.

Aniya, ang mga blotter na ito na may hardbound covers, ay naglalaman ng handwritten records o mga naiulat na krimen mula pa noong Hunyo 2, 2023.

Dagdag ni Torre, ang mga libreng ito ay naglalaman ng ‘multiple false entries’ o mga nakamarka ng “for record only,” na nangangahulugang naidokumento ang mga ito ngunit hindi iniulat na aktwal na krimen.

“’Yan ang literal na half-truth,” ayon kay Torre.

Idinagdag pa ni Torre na ito ang dahilan kung bakit niya ipinag-utos ang relief sa 19 police stations noong Hulyo 8.

Naniniwala siyang ang dating low crime statistics na inisyu ng Davao City Police Office ay hindi makatotohanan.

Sinabi pa ni Torre na sa entry ay itinala ang insidente ng pagnanakaw noong Marso 4, 2024 bilang “lost item.”

“You will not put it in the records of crime statistics because it is a ‘lost item.’ But when you read, ‘believed to be stolen inside Beer Plaza near Jollibee Calinan. But it is clear, ‘believed to be stolen,’ but that cannot be recorded. His station is still peaceful,” ani Torre.

Sa isa pang entry na may petsang Marso 2, 2024, sinabi na iniulat ng may-ari ng motor sa Calinan Police Station na ang nawawala niyang motorsiklo ay nadiskubre sa junk shop na nakalas na.

Sa halip umano na iulat ito bilang pagnanakaw ng motor vehicle sa Calinan, inirefer ito ng police station sa Talomo Police Station.

“Ang bottomline, hindi tama ang numero na pinagrereport ng ating mga station commanders na pinagpapalitan ko, and because of that hindi magiging tama ang programa na iimpelement natin.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here