Home NATIONWIDE PNP nakapagtala ng 8 cybercrime convictions, 144 referred cases noong Oktubre

PNP nakapagtala ng 8 cybercrime convictions, 144 referred cases noong Oktubre

31
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng walong cybercrime convictions at 144 referred cases na sangkot sa iba’t ibang online offenses para sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa PNP, ang walong naitalang convictions ay sumasalamin sa hakbang ng ahensya para maiwasan ang cyber-related criminal acts.

Samantala, sinabi rin ng PNP Anti-Cybercrime Group na nakapagtala ito ng 144 referred cases sangkot ang fraudulent transactions, misuse ng digital platforms, at online disputes.

Sa nasabing bilang, 34 ang online libel cases, na pinakamataas sa bilang.

Mayroon namang 25 kaso ng estafa o paglabag sa Article 315 (swindling) ng Revised Penal Code.

Nasa 14 na kaso naman ang reklamo ng pinagsamang online libel at unjust vexation

Nagpaalala naman si PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa publiko na maging alerto online at mag-ingat sa pakikipagtransaksyon.

Hinimok din niya ang publiko na agad isumbong ang kahina-hinalang aktibidad o suspected cybercrime incidents sa mga awtoridad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here