Home NATIONWIDE P4.1M iligal na sigarilyo nasamsam sa NegOcc

P4.1M iligal na sigarilyo nasamsam sa NegOcc

1
0

MANILA, Philippines – Nakumpiska ang nasa P4.1 milyong halaga ng iligal na sigarilyo na itinago sa refrigerated van sa Negros Occidental, ayon sa ulat ng Bureau of Customs (BOC).

Ang joint operation ng kasama ang Philippine National Police (PNP) ay nag-ugat sa intelligence report kaugnay sa van na hinihinalang may kargang 3,754 reams ng umano’y ismagel na sigarilyo.

Naharang ang sasakyan sa bayan ng Ilog sa Negros Occidental noong Oktubre 21.

Sa operasyon, natagpuan ng pulisya at mga tauhan ng BOC Port of Iloilo ang iba’t ibang imported na sigarilyo.

Ang mga ito ay kulang sa kaukulang tax stamp mula sa Bureau of Internal Revenue.

Nasa kustodiya ng pulisya ang drayber ng refrigerated van kabilang ang kasabwat nito.

Ang mga ito ay pawang mga residente ng Brgy. Cogon, Dipolog City.

“Sa tulong ng PNP, mabilis nating naaksyunan ang impormasyong natanggap at napigilan ang pagpasok ng mga ilegal na sigarilyo sa merkado. Patuloy nating palalakasin ang koordinasyon sa iba pang ahensya upang masugpo ang smuggling at maprotektahan ang ating ekonomiya,” saad sa pahayag ni District Collector Noli Santua.

Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na anti-smuggling campaign at intelligence-sharing salaw enforcement agencies.

“Sa ganitong paraan, mas napipigilan natin ang smuggling, napoprotektahan ang kita ng gobyerno, at nasisiguro ang patas na kalakalan,” sinabi naman ni Commissioner Ariel Nepomuceno. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here