Home NATIONWIDE Reklamo ng vote buying sa Occ Mindoro solon, 6 iba pang kandidato...

Reklamo ng vote buying sa Occ Mindoro solon, 6 iba pang kandidato ibinasura ng Comelec

29
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang reklamong vote buying laban kay Occidental Mindoro Rep. Leody “Odie” Tarriela at anim pang kandidato na tumakbo para sa iba’t ibang lokal na posisyon noong 2025 elections.

Kinatigan ng Comelec en banc ang rekomendasyon ng Law Department nito na ibasura ang reklamo dahil sa kawalan ng probable cause.

Inakusahan ng complainant ang mga respondent ng paglabag sa mga probisyon ng Omnibus Election Code laban sa pagbili ng boto at sa maling paggamit ng mga government resources.

Nagsampa ng reklamo ang radio broadcaster na si Radamalyn “Boy Kamandag” Cardoza sa pagdalo ng mga kandidato sa isang aktibidad sa pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbisita ng OFW Party-list sa San Jose.

Nauna nang itinanggi ni Tarriela ang mga paratang, na tinawag silang “politically motivated smear campaign” na naglalayong pahinain ang kanyang kandidatura. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here