Home NATIONWIDE Pagbibitiw ni Bishop Jaucian ng Bangued tinanggap ni Pope Leo

Pagbibitiw ni Bishop Jaucian ng Bangued tinanggap ni Pope Leo

1
0

VATICAN – Tinanggap ni Pope Leo XIV ang pagbibitiw ni Bishop Leopoldo Jaucian, na nagtapos sa halos 19 na taong pamumuno niya sa Diocese of Bangued sa Abra.

Inanunsyo ng Vatican ang desisyon nitong Sabado, Nobyembre 7.

Si Jaucian, 66, ay itinalaga bilang obispo ng Bangued ni Pope Benedict XVI noong Enero 5, 2007. Naordenahan siya bilang obispo noong Marso 26 ng taong iyon at na-install noong Marso 31.

Kabilang siya sa Society of the Divine Word (SVD), isa sa tatlong aktibong Filipino bishops mula sa kongregasyon.

Sa kasalukuyan, siya ang chair ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Mission. Dati rin niyang pinamunuan ang Episcopal Commission on Mutual Relations at Episcopal Commission on Youth.

Ayon sa Holy See Press Office, tinanggap ng Santo Papa ang pagbibitiw ni Jaucian sa ilalim ng Paragraph 2 ng Canon 401 ng Code of Canon Law, na sumasaklaw sa mga obispong hindi na makagampan ng tungkulin dahil sa karamdaman o iba pang mabigat na dahilan.

Sa ilalim ng Church law, kailangang maghalal ang College of Consultors ng diocesan administrator sa loob ng walong araw matapos mabakante ang diyosesis o sede vacante. Pamamahalaan ng administrator ang pansamantalang pamumuno hanggang sa maitalaga ang bagong obispo.

Sa pag-alis ni Jaucian, umabot na sa pito ang bilang ng bakanteng Catholic church territories sa Pilipinas: ang mga diyosesis ng Bangued, Parañaque, Masbate, Kabankalan, Ilagan at Borongan, at ang Apostolic Vicariate of Jolo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here