Home SPORTS Obiena usad sa Olympic pole vault finals

Obiena usad sa Olympic pole vault finals

104
0

MANILA, Philippines — Nakalusot mula sa malamyang  simula si EJ Obiena at nakakuha ng tiket  papasok sa finals ng men’sa pole vault competition sa Paris Olympics Sabado ng hapon (oras ng Maynila).

Nagtapos si Obiena sa top 12 pole vaulters sa qualifications para masigurado ang kanyang puwesto sa medal round.

Matapos mawala ang kanyang marka sa  unang dalawang pagtatangka sa 5.60 metro, pumasa siya at sinubukang tumalon ng 5.70 metro sa isang peligrosong galaw.

Madali namang nalusutan ng World No. 2 pole vaulter  ang 5.70 metro.

Madali siyang lumipad ng mahigit 5.75 metro para patatagin ang kanyang puwesto sa final.

Makakasama ni Obiena sa final sina World No. 1 Mondo Duplantis, Sondre Guttormsen, Emmanouil Karalis, Ersu Sasma, Menno Vloon, Sam Kendricks, Bo Kanda Lita Baehre, Oleg Zernikel at Bokai Huang, na pawang nag-clear ng 5.75 meters.

Nag-book din sina Claudio Stecchi, Kurtis Marschall at Valters Kreiss ng mga tiket para sa championship round sa kahit na-clear lamang ang 5.70 metro.

Gagawin ang final  sa August 6, 1 a.m. (Manila time).RICO NAVARRO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here