MANILA, Philippines – ISANG hinihinalang tulak ng shabu ang naaresto matapos itong makumpiskahan ng humigit kumulang sa P4 milyon sa isinagawang buy-bust operation kagabi sa Sitio Lasig, Barangay Arawan, San Antonio, Quezon .
Ang suspek na pansamantalang nakapiit ngayon sa himpilan ng pulisya ay kinilalang si Alyas Jherome, 25, naninirahan sa Barangay Pury, San Antonio ng nabanggit na lalawigan.
Batay sa inisyal na report ni PCol Ledon Monte Provincial Director ng Quezon PPO kay PBGen. Paul Kenneth T. Lucas Regional Director ng PRO4 Calabarzon, dakong alas – 6:45 kagabi nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Quezon PDEU at PDEA sa pamamagitan ng buy-bust operation matapos na magpanggap na posuer buyer ang isang pulis na humantong sa pag-aresto sa suspek.
Napag-alaman na ang suspek na kabilang sa talaan ng pulisya na High Value Individual hinggil umano sa pagtutulak ng droga kung saan nakumpiskahan ang suspek ng limang pirasong heat sealed trasparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang Shabu na may timbang na 200 gramo na may Street Value na humigit kumulang sa P4,080,00.00, bukod dito narekober din ang isang sling bag at buy-bust marked money.
“Ang tiwala at kooperasyon ng mamamayan sa kanilang kapulisan ang mabisang panlaban sa krimen ,binabati natin ang kapulisan at mamamayan nf San Antonio sa paghahangad na wakasan ang impluwensya at presensya ng ilegal na droga sa kanilang pamayanan,” ani PCol Monte. Ellen Apostol