Home NATIONWIDE Hinihinalang human trafficking leader arestado sa P’que

Hinihinalang human trafficking leader arestado sa P’que

108
0

INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na wanted ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa trafficking ng kanyang mga kababayan palabas ng China para magtrabaho sa mga online gaming establishment na ang operasyon ay nasa Pilipinas.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pugante na si Wang Chuancong, 35-anyos, na inaresto noong Hulyo 30 sa loob ng kanyang condominium unit sa Roxas Blvd., Parañaque City ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI.

Sinabi ni Tansingco na naglabas siya ng mission order para sa pag-aresto kay Wang sa kahilingan ng gobyerno ng China na nagpaalam sa bureau tungkol sa presensya ng pugante sa bansa.

Sinasabing napapailalim si Wang sa isang detention warrant na inisyu ng municipal public security bureau sa Jinjiang, China na inisyu noong Abril 2024 kung saan siya ay kinasuhan ng human trafficking na isang seryosong kriminal na pagkakasala sa ilalim ng batas ng China.

“We were told that he heads a syndicate that facilitates the illegal departure of Chinese nationals by forging documents to facilitate their outbound travel in China,” ani Tansingco.

“This allows them to travel to different countries including the Philippines to work in online gaming hubs,” dagdag pa ng opisyal.

Nabatid na isa nang undocumented alien si Wang makaraang kanselahin ng gobyerno ng China ang kanyang passport.

Kasalukuyang nasa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang naarestongdayuhan habang nakabinbin ang deportation proceedings nito. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here