Home HOME BANNER STORY Oil price rollback ulit!

Oil price rollback ulit!

143
0

MANILA, Philippines – MULING magpapatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.10 sa kada litro ng gasolina, P0.20 sa kada litro ng diesel at P0.45 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May oil price rollback din sa presyo ng mga produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na ipapatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang nasabing oil price rollback ay ipatutupad sa unang linggo sa buwan ng Agosto.

Ang ipapatupad na bawas presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na P0.75 sa kada litro ng gasolina, P0.85 sa kada litro ng diesel at P0.80 naman sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here