Home NATIONWIDE P1B lawsuit ikakasa vs may-ari ng lumubog na MT Terra Nova

P1B lawsuit ikakasa vs may-ari ng lumubog na MT Terra Nova

117
0
oplus_1024

Mariing sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na kakasuhan nila ang mga may-ari ng barko para lahat ng apektado ng oil spill ay magkaroon ng proper compensation”.

Ito ang ipinahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa harapan ng nasa mahigit sa 1,600 na indibidwal sa Noveleta, Cavite na nakatanggap ng paunang relief goods mula sa opisina ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Giit pa ni Remulla, may criminal liability ang mga may-ari ng barko kaya nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Coast Guard upang maihanda ang kasong isasampa nila dahil sa oil spill mula sa lumubog na motor tanker Terra Nova sa Limay, Bataan na umabot na sa karagatang sakop ng Cavite.

Sa kabuuan, aabot sa 352,179 ang apektadong populasyon sa lahat ng coastal barangays sa lalawigan ng Cavite dahil sa oil spill, at nasa 25, 145 mangingisda ang apektado rito.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan na patuloy ang gagawin nilang pagtulong sa mga nasalanta ng oil spill lalo at pinapayuhan pa rin ang mga mangingisda na huwag na munang manghuli at apektado ang kanilang pangkabuhayan. Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here