Home HOME BANNER STORY Holiday pay rules sa Aug. 21 at 26 ipinaalala ng DOLE

Holiday pay rules sa Aug. 21 at 26 ipinaalala ng DOLE

168
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng pay rules ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa dalawang holidays ngayong buwan.

Sa labor Advisory No.9, pinayuhan ni Seceratry Bienvenido Laguesma ang mga employers ng tamang pagbabayad ng sahod mula Aug. 21 (Ninoy Aquino Day) at Aug. 26 (National Heroes Day).

Ang Aug. 21 ay special non-working day habang Aug. 26 ay regular holiday.

Para sa Aug. 21, binigyang-diin na “no work, no pay” ay ilalapat na nangangahulugang ang mga empleyado na hindi magtatrabaho sa araw na iyon ay hindi babayaran.

Binanggit ng DOLE na iallapat ang naturang tuntunin maliban kung mayroong paborableng patakaran ng kumpanya, kasanayan o collective bargaining agreement na nagbibigay ng pagbabayad sa isang espesyal na araw.

Ang trabaho na ipinasok sa special holiday, ang employer ay dapat magbayad sa manggagawa ng karagdagang 30 porsoyento ng basic wage sa unang walong oras ng trabaho (basic wage x 130 porsiyento).

Kapag ang mangaggawa ay pumasok sa trabaho na lagpas sa walong oras, siya ay babayaran ng karagdagang 30 percent ng hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 130 porsiyento x 130 porsiyento x bilang ng oras na nagtrabaho).

Kung ang manggagawa ay pumasok sa trabaho sa panahon ng espesyal na araw na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 50 porsiyento ng basic wage sa unang walong oras ng trabaho (basic wage x 150 porsiyento).

Para naman sa mga empleyadong nagtatrabaho ng higit sa walong oras sa espesyal na araw na pumapatak din sa araw ng pahinga, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 150 percent x 130 porsyento x bilang ng mga oras na nagtrabaho).

Para naman sa mga magtatrabaho sa Agosto 26, ang empleyado ay tatanggap ng kabuuang 200 porsiyento ng sahod para sa araw na iyon sa unang walong oras (basic wage x 200 porsiyento).

Para sa trabahong ginawa ng higit sa walong oras, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng pangunahing sahod na 200 porsiyento (basic wage x 200 porsiyento × 130 porsiyento).

Ang mga empleyadong magtatrabaho sa panahon ng regular holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga, tatanggap sila ng karagdagang 30 porsiyento ng pangunahing sahod na 200 porsiyento (basic wage x 200 porsiyento × 130 porsiyento).

Para sa trabahong ginawa ng higit sa walong oras sa panahon ng regular holiday na pumapatak din sa araw ng pahinga ng empleyado, babayaran ng employer ang empleyado ng karagdagang 30 porsiyento ng hourly rate sa nasabing araw (hourly rate ng basic wage x 200 percent x 130 porsyento x bilang ng mga oras na nagtrabaho). (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here