Home METRO Traffic enforcer dedo sa closed van

Traffic enforcer dedo sa closed van

1
0

MANILA, Philippines – Hindi na naisalba ang buhay ng isang senior citizen na traffic enforcer matapos itong mabangga ng Izusu Elf Close Van sa National Highway ng Barangay Pansol, Calamba City.

Ang biktima na kaagad na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa JP Rizal Memorial Hospital, sanhi ng tinamong mga sugat sa parte ng katawan ay kinilalang si alyas Jose, 73, LTMO Traffic Enforcer at naninirahan sa Purok 3, Barangay Pansol sa nabanggit na lungsod.

Samantalang ang driver ng close van na kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba Component City Police Station ay nakilala sa alyas Boy, 29, single, driver, residente ng Purok 5, Barangay Majada, Calamba City, Laguna.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente, dakong alas- 9:35 ng gabi habang ang biktima na kasalukuyang nasa pedestrian lane ay pinahinto ang mga sasakyan para sa mga tatawid.

Bigla na lamang nag-overtake sa kanang bahagi ng kalsada ang isang Isuzu Elf Close Van na may plakang CBQ- 4549 na minamaneho ng suspek.

Napag-alaman na ang Close Van ay nagmula sa Barangay Bagong Kalsada at patungo sa Crossing Calamba City nang mabangga nito ang traffic enforcer.

Tumilapon pa ang biktima na dahilan ng pagkasawi nito.

Nabatid sa ulat na ang driver ay nahaharap sa kadong Reckless Imprudence Resulting in Homicide. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here