Home NATIONWIDE Sirit-chikungunya sa Zambo del Sur ibinabala!

Sirit-chikungunya sa Zambo del Sur ibinabala!

112
0

ZAMBOANGA – Itinaas ng health authorities sa Zamboanga del Sur ang alarma dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng chikungunya.

Lumalabas sa datos ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) na 218 kaso ng chikungunya ang naitala mula Enero hanggang Hulyo 2024. Noong 2023, 28 kaso lamang ng chikungunya ang naitala sa lalawigan.

Ang bayan ng Tabina ang may pinakamaraming kaso na may 47, sinundan ng Lapuyan at Dinas na may mahigit 30 kaso bawat isa.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang chikungunya ay isang viral disease na dala ng lamok na nagdudulot ng lagnat at matinding pananakit ng kasukasuan.

Bagama’t mas mapanganib ang dengue kaysa sa chikungunya, sinabi ng mga awtoridad na hindi dapat maging kampante ang publiko.

Sinabi ng mga awtoridad na parehong bata at matatanda ay maaaring mahawa ng chikungunya.

Sinabi ng IPHO na ang 5S habit laban sa dengue ay dapat ding gamitin para labanan ang chikungunya, na kinabibilangan ng search and destroy, self-protection, seek early consultation, support fogging, at sustain hydration. Ang bawat barangay ay inatasan din na magsagawa ng cleanup drive araw-araw. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here