Home NATIONWIDE Police Davao na security aide ni VP Sara ibabalik ng PNP

Police Davao na security aide ni VP Sara ibabalik ng PNP

104
0

MANILA, Philippines – Ibabalik ng Philippine National Police ang mga pinagkakatiwalaang police Davao bilang security aide ni Vice President Sara Duterte.

“Pakiusap ko kahit di mo ibalik same number na tinanggal mo. Ibalik mo lang mga taga-Davao na palagay ang kalooban niya. Tanggalin mo na lang yung di mo na kilala. Pwedeng ibalik mo, can I get your commitment?” ani Bato kay PNP Chief Police General Rommel Marbil sa pagdinig ng Senado.

“Of course your Honor,” sagot ni Marbil.

Sinabi ng hepe ng pulisya na 75 pulis ang tinanggal sa security detail ni Duterte habang inaayos ng PNP ang deployment ng pulis.

Dagdag pa niya, may natitira pang 31 pulis si Duterte sa kanyang security detail, bukod pa sa 358 tauhan ng Armed Forces of the Philippines.

Batay sa assessment ng Presidential Security Command, sinabi ni Marbil na wala silang nakikitang banta laban kay Duterte.

Binigyang-diin din ni Marbil na walang political pressure sa likod ng pagbawi ng security detail ni Duterte. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here