MANILA, Philippines – Isang lalaki ang inaresto makaraang naaktuhang bitbit ang isang panabong na manok na kanyang tinangay sa isang sakahan sa Maragondon, Cavite nitong Linggo ng umaga, Nobyembre 22.
Hawak ngayon ng Maragondon Municipal Police Stataion ang suspek na si alyas Mon, 28 at nahaharap sa kasong Theft.
Sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga nagsasagawa ng pagpaptrolya ang mga barangay tanod sa Brgy Pantihan 4, Maragondon nang nadaanan nila ang suspek na hawak-hawak ang isang panabong.
Nang tanungin, bigla itong tumakbo kung kaya nagkaroon ng habulan hanggang sa naaresto ito.
Kinumpirma naman ng may-ari ng sakahan na si alyas Tom, 47, na pagmamay-ari nito ang panabong na nagkakahalaga ng P5,000 na hawak ng suspek. MARGIE BAUTISTA