Home ENTERTAINMENT Nadine, pinagtripan sa post na ‘bahang’ estetik

Nadine, pinagtripan sa post na ‘bahang’ estetik

171
0

Manila, Philippines – Kaagad nang nagpasintabi si Nadine Lustre sa kanyang mala-baha na post pero hindi pa rin siya nakaligtas sa mga nangtrip sa kanya.

Bale ba, larawan ‘yon ng tubig sa Siargao.

Very calm ang tubig kundi man relaxing to one’s soul.

Thinking sa maaaring isipin ng mga netizen, mismong si Nadine na ang nag-comment sa kanyang sariling post.

Ano pa nga ba ang iisipin ng mga netizens kundi may kunek ‘yon sa baha dulot ng mabalasik na bagyong Carina?

Post ni Nadine: “Hindi ‘yan baha. Nakakaloka!”

Despite her disclaimer ay pinagtripan pa rin ang post ng Viva artist.

One netizen commented: “Ang bango naman ng baha sa inyo!”

Still another netizen said: “Aesthetic ang dating!”

Sinegundahan naman ito ng isa pang netizen: “Tinanggal muna ang mga lumulutang-lutang para aesthetic ang dating!”

Ang pinakanakakaloka ay ang warning o babala mula sa isa pang netizen who apparently thought na tubig baha ang ipinost ni Nadine.

Comment nito: “Ingat po sa ‘left toe spirosis’!”

‘Yun na! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here